🎥 : OFFICE OF SENATOR RISA HONTIVEROS
Senator Risa Hontiveros on Monday urged the Department of National Defense (DND) to expedite the building and expansion of facilities in the Kalayaan Island Group in the West Philippine Sea as the country commemorates the fifth anniversary of the Philippines’ 2016 victory at The Hague. The ruling, a landmark legal victory under the administration of President Noynoy Aquino, secured the country’s claim over the WPS. “Magtayo at padamihin na ng DND ang mga pasilidad sa mga isla natin sa WPS. We need to show China that we will no longer be passive about our 2016 victory. Kung hindi nakikinig ang Tsina sa panawagan natin, baka kailangan makita na ng sarili niyang mata kung ano ang ating ibig iparating. We tirelessly and repeatedly invoke the Arbitral Ruling in our pronouncements, but we should also complement these words with actions. It is time to act,” Hontiveros said. The senator added that the DND may also collaborate with LGUs and other agencies, such as the Department of Science and Technology and the Department of Agriculture, to encourage civilian activity in the KIG. She said that allowing various activities or special projects in the islands could demonstrate that the islands are part of Philippine territory. “We cannot treat the islands in the WPS only as military outposts, but also as civilian territories that are simply part of the Philippines. If the Executive can devise a way that will allow for more activity in the islands, accompanied of course by security protocols, it can contribute to consolidating our sovereignty over the KIG,” Hontiveros said. “Kailangan ma-reinforce hindi lang ang ating militar, pero pati narin ang mga mamamayang makakabenepisyo sa mga isla natin sa WPS. Napakayaman sa oil, gas, isda, at marami pang natural resources ang WPS at dapat mapunta lahat ng ito sa mga Pilipino,” Hontiveros added. Hontiveros also reiterated her call to officially celebrate the National West Philippine Sea Victory Day every July 12. The senator earlier filed Senate Resolution 762 that seeks to annually commemorate our 2016 triumph and to honor Pres. Aquino’s efforts. “We must never forget this victory. We must never forget the ways China has exploited our seas, harassed our people, and disrespected our sovereignty. Minamaliit ang Hague ruling hindi lang ng Tsina, kundi pati ng iilang opisyal natin sa gobyerno. Kaya patuloy dapat nating ipagmalaki ang panalong ito at panindigan ang dignidad ng Pilipinas hindi lang sa salita, kundi pati narin sa gawa. Ang tagumpay na ito ay hinding-hindi dapat mawala sa kasaysayan,” Hontiveros concluded. ##### Kasabay ng ika-5 taong anibersaryo ng Hague ruling, Hontiveros, hinikayat ang DND na bilisan ang pagbuo ng mga pasilidad sa WPS Hinikayat ni Senador Risa Hontiveros nitong Lunes ang Department of National Defense (DND) na bilisan ang pagbuo at pagpapalawak ng mga pasilidad sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea kasabay ng paggunita ng bansa sa ikalimang anibersaryo ng tagumpay ng Pilipinas sa 2016 sa The Hague. Ang desisyon ay ligal na tagumpay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na nagpatibay sa ating pagmamay-ari sa WPS. “Magtayo at padamihin na ng DND ang mga pasilidad sa mga isla natin sa WPS. Kailangan nating ipakita sa China na hindi na tayo magiging passive tungkol sa ating tagumpay sa 2016. Kung hindi nakikinig ang Tsina sa panawagan natin, baka kailangang makita ng sarili nitong mata kung ano ang ibig nating iparating. Walang pagod at paulit-ulit nating hinihimok ang Arbitral Ruling sa ating mga salita pero dapat din umakma sa mga salitang ito ang ating mga ginagawa. Panahon na upang kumilos, ”sabi ni Hontiveros. Idinagdag ng senadora na ang DND ay maaari ring makipagtulungan sa mga LGU at iba pang mga ahensya, tulad ng Department of Science and Technology at ng Department of Agriculture, upang hikayatin ang aktibidad para sa mga sibilyan sa KIG. Sinabi niya na ang pagpapahintulot sa iba't ibang mga aktibidad o mga espesyal na proyekto sa mga isla ay maaaring magpakita na ang mga isla ay bahagi nga ng teritoryo ng Pilipinas. "Huwag nating tratuhin ang mga isla sa WPS bilang mga military outposts lamang, kundi pati na rin bilang mga teritoryong sibilyan na bahagi ng Pilipinas. If the Executive can devise a way that will allow for more activity in the islands, accompanied of course by security protocols, it can contribute to consolidating our sovereignty over the KIG,” sinabi ni Hontiveros. “Kailangan ma-reinforce hindi lang ang ating militar, ngunit pati narin ang mga mamamayang makakabenepisyo sa mga isla natin sa WPS. Napakayaman sa langis, gas, isda, at maraming pang natural resources ang WPS at dapat mapunta lahat ng ito sa mga Pilipino,” dagdag ni Hontiveros. Inulit din ni Hontiveros ang kanyang panawagan na opisyal na ipagdiwang ang National West Philippine Sea Victory Day tuwing Hulyo 12. Nauna nang naghain ang senador ng Senate Resolution 762 na layong gunitain taon-taon ang ating tagumpay sa 2016 at ang mga pagsisikap ng administrayon ni Aquino. “We must never forget this victory. We must never forget the ways China has exploited our seas, harassed our people, and disrespected our sovereignty. Minamaliit ang Hague ruling hindi lang ng Tsina, kundi pati ng iilang opisyal natin sa gobyerno. Kaya patuloy dapat nating ipagmalaki ang panalong ito at panindigan ang dignidad ng Pilipinas hindi lang sa salita, kundi pati narin sa gawa. Ang tagumpay na ito ay hinding-hindi dapat mawala sa kasaysayan,” pagtatapos ni Hontiveros.
Comments