by Kirby Marquez
Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mula buwan ng Hunyo, 7.7% o humigit kumulang tatlong milyong Pilipino ang walang trabaho sa panahon ng pandemya. Kabilang na dito ang mga katutubong Pilipino na ang pangunahing hanapbuhay ay ang turismo sa bansa.
Dahil sa pandemya, bumagsak ang turismo sa bansa kung saan hindi na nabigyang pansin ang kanilang magagandang tanawin, mayamang kultura, at kanilang mga produkto mula sa kanilang paghahabi na naging sanhi ng kawalan nila ng hanapbuhay. Sa pamamagitan ng Balik Batik, ito ang kanilang naging tulay upang ibagon ang kanilang pamumuhay at panatilihing maunlad ang kanilang kultura.
“Because of the pandemic; no tourists, no income. That’s the biggest thing, the pandemic really affected their source of income.” Pahayag ni Veronica Baguio, may-ari ng Balik Batik.
Ang Balik Batik ay mula sa Lilo-an, Cebu na isang online business. Ang kanilang produkto ay mga uri ng kasuotan gaya ng polo shirt, barong, dress, jacket, blazer, at iba pa. ito ay gawa mismo ng kanilang mga kapanalig na katutubong Pilipino mula sa iba’t-ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng kanilang tradisyonal na paggawa ng tela na paghahabi. Naitatag ito noong buwan ng Marso, 2020 sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Layunin ng Balik Batik na ipamalas ang kultura ng mga katutubong Pilipino at ipakita ang kanilang pangunahing hanapbuhay sa pamamagitan ng internet bukod pa rito, ipinagmamalaki din mismo ng mga katutubong Pilipino ang kanilang disenyo at pagkamalikhain.
“Sobrang natutuwa ang mga weavers na ginagamit at sinusuot yung mga weaves nila. Because for some of them, this is their main source of income, if they have less orders, less din yung income nila. The more we promote their work, their livelihood, it really helps them directly.” pahayag ni Veronica Bagiuo.
Gayunpaman, pagsubok din kung maituturing ng Balik Batik ang pandemya dahil nakaapekto din ito sa kanilang negosyo pati na rin sa mga kapanalig nilang katutubong Pilipino na mula pa sa iba’t-ibang panig ng bansa. Subalit, hindi ito naging hadlang sa kanila sapagkat patuloy nilang isinulong ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng iba’t-ibang plataporma sa internet at sila ay nakabuo ng isang komunidad ng mga taong tumatangkilik sa mga gawang lokal. Nagsimula sa iisang kapanalig na ngayon ay patuloy na lumalago.
“Because we’re in an online space, at that time [ECQ] when everyone’s online, that’s how we grew and that’s how we’re continuing and growing.” Sabi ni Veronica.
Sa loob ng mahigit isang taon, unti-unting naging maunlad ang Balik Batik at mas dumami pa ang kanilang mga orders kaya naman ang karamihan sa kanila ay ginawa ng opisyal na hanapbuhay ang paghahabi na nakatulong din sa mga katutubong Pilipino na sustentuhan ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
“They really send us thank you messages because they rely on their
weaving for their food, for their money, and because our orders are so regular, it really helps them. It puts food on their plate, it pays the tuition fee of their students, it pays their bills. It really helps them kasi their jobs are still not as regular as before.” Dagdag pa niya.
Labis namang ikinatuwa ni Veronica ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa kanilang produkto at pagsuporta sa mga gawang lokal. Ikinatuwa niya rin ang mga kabataan na sa murang edad ay nasisimulan na nilang tangkilikin ang mga produktong Pilipino. At hiling pa niya na mas lalo nating paigtingin ang pagmamahal natin sa sariling atin at ipagmalaki ang gawang pilipino dahil mula sa pagtangkilik at pagbili ng sarili nating produkto ay nakakatulong din tayo sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino.
—
Mayroon ka rin bang kwentong #TatagPinoy na nais ibahagi sa Now You Know? Ipadala ang mga kwentong ito sa amin! Mag-email lamang sa info@nowyouknowph.com o mag-send ng PM sa aming Facebook page.
Комментарии